Pusta
Nais kong pumusta
kung saan ‘di namamalagi ang agam-agam
kung saan yayapusin ang nang-uusig nating katha
Nais kong bumuwis
sa digmaang walang katiyakan
sa laban ng puso at pagtangis
Nais kong sumugal
kahit ang mayroon lang ay ang ako
at ang paghihintay na kay tagal
Hayaan mong ako’y sumulong
at alayan ka ng lambong ng tipa at pag-ibig
Hayaan mong itaya ko ang lahat tangan ang kalayaang panggatong
para sa susunod na pagdaong
--------------------------------------------------------
This poem was composed last November 21